Wednesday, December 29, 2010

Ano ba ang Foundation, at ano ba ang "Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc." ?







Ang blog o artikulong ito ay ginawa upang maintindihan ng mga kapatid natin sa "GUARDIANS" at mamamayan ng ating bansang "Pilipinas" ang kaibahan ng ating "Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc." sa ibang "Foundation", sa mga "Organisasyon", sa mga "Club", sa mga "Assosasyon", at iba pang grupo na gumagawa ng pantao at pangkalikasang mga proyekto!

Ano ba ang Foundation?

Napakaraming kasagutan ang kung ano ba ang Foundation, sa tagalog ito ay pundasyon, at pag sinabi nating pundasyon...iisipin natin ang haligi, at pag haligi ng bahay..iisipin natin ang "Ama ng Tahanan"....sa englis na pananalita..ito ay isang organisasyon na itinatag ng mga taong may mabubuting kalooban para makatulong sa kanilang kapwa, maaring may mga sobrang kayamanan na nais nilang ipamahagi sa mahihirap nilang mga kababayan....

Sa mga kumpanya...may mga ibig sabihin ang pagtatayo nila ng sarili nilang "Foundation"...ito ay para maibawas sa kanilang pagbabayad ng buwis sa kanilang pamahalaan....maaring ginagawa nila ito para makatulong sa kanilang mga kababayang hindi makapag-aral gawa ng kakapusan sa pananalapi..kaya sila ay nagpapa-scholar sa matatalino nating mga kababayan....nababawas na sa kanilang buwis na pambayad, nakakatulong pa....at yung mga kumpanyang walang "Foundation" ay gumagamit naman ng mga rehistradong organisasyon para din makabawas sila sa pagbabayad ng buwis sa kanilang pamahalaan...kung anong mga aktibidades...sila lang ang nakakaalam...

Sa mga ahensiya ng gobyerno..tumutulong din sila sa mga "Foundation" at Organisasyon na may mga tulong na ginagawa sa mahihirap nilang kababayan na naibabawas din naman sa pagbabayad nila ng buwis...pero ang nakapagtataka, bihira ang gumagawa nito...pero huwag na nating alamin kung bakit...may mga pansarili siguro silang dahilan....

Ang isang karaniwang "Organisasyon" ay ganito lagi ang makikitang nakarehistro sa kanilang artikulo ng korporasyon/kooperasyon/pagkakaisa sa pagpapalakad o "Articles of Incorporation":
a. Maglaan ng pondo para sa organisasyon at sa mga aktibidades ng miyembro.
b. Tumulong sa pinansiyal, moral, at espirituwal sa mga miyembro ng organisasyon at ng kanilang pamilya.
c. Palakasin ang pakikipag-kapwa tao, ekonomiya, kultura, espirituwal, pag-tuklas, at pagka-alam sa pulitika ng mga miyembro at ng kanilang pamilya sa pamamagitan ng mga pagsasanay (Seminars).

May tatlo namang malalaking "Foundation" sa ating bansa na may mga kapatid na kumpanya na lagi nating naririnig at nababalitaan ang hindi naman naghahayag ang kanilang "Articles of Incorporation" liban sa gumawa ng mga proyektong katulad nito....
a. Edukasyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng scholarships na programa, at nagbibigay ng donasyon sa mga eskuwelahan, mga medikong misyon,klinikang pangsasakyan, aktibidades sa mga center clinics, at relihiyosong proyekto para sa mga komunidad.
b. Gumagawa ng mga proyekto na nagsosolo man o humihingi ng tulong ng ibang ahensiya, tumutulong sa mga kapus-palad na pamilya, mga batang nanga-ngailangan,mga biktima ng kalamidad, mga preso o dating preso, sa mga nagnanais na sumikat sa pagkanta maging ng nagsusulat ng awit, at sa mga kamag-anak ng kanilang mga empleyado.
c. Tumutulong sa maliit na pautang ng walang kolateral/sangla (Microfinance), atleta (Sports), edukasyon, pang-batang rehabilitasyon, pamamahala sa tulong kalamidad, at suporta sa sining.

Ang ating paliwanag tungkol sa mga "Organisasyon" na kumikilos sa mga proyektong pang-tao ay kailangang sa pamamagitan ng kanilang mga miyembro lamang (Between members) at hindi puwedeng humingi ng tulong sa iba na hindi miyembro dahil ito ang batas....liban na lang kung sila ay akredito at may lesensiya ng "Department of Social Welfare and Development....na ipinahihintulot ang paghingi ng tulong sa ibang tao ayon sa AO 17 ng kagawarang ito.

Sa malalaking "Foundation" na may mga kapatid na kumpanya ay legal nilang maibibigay sa kanilang sariling "Foundation" kung kanilang ninanais ang katamtamang parte ng kanilang kinita na maibabawas naman sa pagbabayad nila ng buwis sa ating pamahalaan, pero kung sila ay humihingi pa ng tulong sa ibang tao ay kailangan nilang irehistro ang kanilang "Foundation" sa DSWD....sa tatlong "Foundation" na nakasulat sa itaas ay hindi lahat nakarehistro....

Ano ba ang "Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc."?

Ang "Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc." ay nairehistro sa Securities and Exchange Commission" noong June 24, 2008 bilang numero CN200809720, ito ay walang kapatid o tumutulong na kumpanya kaya atin itong ini-rehistro sa "Department of Social Welfare and Development (DSWD)at nabigyan ng lesensiya noong June 2, 2009,sa halos isang taong pakikipag-usap....dahil ang "Foundation" daw natin ay kailangang sa Department Of Environment ang Natural Resources (DENR) humingi ng lesensiya....ngunit sa mga paliwanagang nagawa ito ay nabigyan din ng lesensiya numero bilang DSWD-SB R-000008-2009, pangwalo sa National Capital Region at pang-una sa Region 3 simula ng binago ang patakaran ng paghingi ng tulong (Solicitation) ng ating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa kanyang EO 720....

Ano-ano ba ang ating artikulo ng kooperasyon ng pag-iisa(Articles of Incorporations)...ito po ay isinalin natin sa "Wikang Filipino"....

1. Ang magbigay ng mga pantaong serbisyo na tutulong sa kanilang gawain, pagtuturo ng mga bagong sistema, at pagtulong sa kanilang ispirituwal na pagkatao, at sa mga nangangailangan na mga kapus-palad nating kababayan, katulad ng mga pinabayaan, mga bata, walang nag-aasikaso, inabuso, may-kapansanan, mga batang lansangan, mga matatandang iniwan ng mga kamag-anak. Sa pagbibigay sa kanila ng pagkain, gamot, turuan sa kalusugan, at turuan (Informal-Education) kung hindi nakapag-aral.

2. Pagbibigay ng mga "Pangkabuhayang Proyekto" o livelihood, kagalingan at serbisyong komunidad, inprastraktura, kalusugan, pabahay, kasiyahan (Recreation), "SERBISYO PARA SA KAPALIGIRAN AT KALIKASAN", ispirituwal, moralidad at mga serbisyong pang-tao at proyekto para sa mga retirado, at mga walang kakayahang mabuhay nating mga kababayan.

3. Gumawa at mag-istablisa ng mga opisina o centers at ng mga pasilidad para matupad ang mga ninanais at gustong gawin (Objectives) ng "Foundation"para sa kanilang misyon at pananaw na makapagturo, at magawa ng mga nilalang nating kababayan ang mga gawain para sa ating bayan ng buong katalinuhan at kasagraduhan.

4. Tumangap ng mga donasyon, pondo, honorarya, tulong, tulong ng mabubuting tao at gobyerno(Grants), puwede ding umutang, ,tumangap ng regalo, tumangap ng pananalapi sa banyaga mang bansa o kababayan, sa mga pribadong kumpanya, o umutang gamit ang titulo ng miyembro ng naaayon sa batas kung may gagawing proyekto.

5. At gawin ang lahat ng bagay na sadya para sa lahat ng karapatan sa mga layunin sa itaas, mga aktibidades, at mga karapatan ng Foundation, kailangan lang na hindi magkakaroon ng butas/taliwas sa batas na nagawa sa pag-oorganisa ng isang Foundation!

6. At tumulong sa ating "Pamahalaan", sa mga "Pribadong Kumpanya", at sa ibang "Institusyon ng Kawangawa" sa kanilang mga "Proyektong Pang-tao" sa ilalim ng "Build Operate Transfer" program o "Gawin muna, gamitin, at ilipat" na mga proyekto!

Maganda at napakadali intindihin sa "Wikang Filipino" ang ating "Articles of Incorporation" ano po.....at bukod dito, tayo lang po ang may mga "Feasibility Studies" para gumawa ng mga pangkalikasan at pantaong proyekto na iginawa pa ng "COPYRIGHT" para masabing tayo talaga ang mga nagpasimula nito....iisa-isahin po natin ito....

1. Title of Work: "BIO-ALCA VIRGIN OIL" - Registration No. 02003-339, Dated
December 5, 2003 - Philippine Copyright
Produkto para sa mga pangkalusugang proyekto.

2. Title of Work: "GUARDIANS OF THE FILIPINO MASSES, OBANDO, MEYCAUAYAN, MARILAO RIVERS RECOVERY PROGRAM" - Registration No. 02008-65, Dated March 14, 2008 - Philippine Copyright.
Proyekto para sa paglilinis at pagpapasariwa ng mga kailogan sa Bulacan, magagamit din ito sa ibang mga lugar na may mga patay at mabahong ilog.

3. Title of Work: "MOBILE COMPOSTING MACHINE" - Registration No. 02008-66, Dated
March 14, 2008 - Philippine Copyright.
3.1. - Registration No. TXu-345-345, Dated March 2, 2007 - USA Copyright.
Proyekto para sa sasakyang gamit para sa pagko-compost o pang-gawa ng organikong pataba para sa halaman o pagkain ng hayop.

4. Title of Work: "BIO-WASTE BASKET" - Rgistration No. 02008-64, Dated March 14, 2008 - Philippine Copyright.
4.1. - Registration No. Txu-343-938, Dated July 7, 2006 - USA Copyright.
Proyekto para sa basurahang sadyang ginawa para maihiwalay ang mga panis at bulok na mga bagay para hindi na maisama sa basura.

5. Title of Work: "ASIAN ART OF HEALING" - Registration No. 02008-63, Dated March 14, 2008 - Philippine Copyright.
5.1. - Registration No. TXu 1-624-785 - Dated February 11, 2008 - USA Copyright.
Proyektong produkto para sa kalusugan.

6. Title of Work: "IF YOU DO NOT WANT TO LIVE LONGER, HEALTHY, AND HAPPY, DO NOT READ THIS LITTLE BOOK" - Registration No. A2008-587, dated March 26, 2008 - Philippine Copyright.
6.1. - Registration No. TXu 1-624-231 - Dated February 11, 2008 - USA Copyright.
Aklat na ginawa para sa mga taong nais humaba ang buhay.

7. Title of Work: "STOP GLOBAL WARMING OF THE GUARDIANS" - Registration No. 02008-134, Dated May 14, 2008 - Philippine Copyright.
Mga proyektong gagawin ng mga kasapi ng "GUARDIANS" para mapigilan ang pag-init ng panahon sa mundo.

8. Title of Work: "THE TREE OF LIFE AND VIRGIN COCONUT OIL" - Registration No. 02008-135, Dated May 14, 2008 - Philippine Copyright.
8.1. Registration No. TX 6-434-324, Dated April 11, 2006 - USA Copyright
8.2. Registration No. TX 6-508-581, Dated December 12, 2006 - USA Copyright
Mga produktong tulong sa kalusugan.

9. Title of Work: "THE GUARDIANS SOLUTION (GUARDISOL)" - Registration No. 02008-264, Dated August 26, 2008 - Philippine Copyright.
Mga produktong solusyon na tutulong para mawala ang mga mabahong amoy at nagaalis ng mga bakterya at mikrobyo sa mga kailogan, kanal, basurahan, at mga lugar na may hindi kanais-nais na amoy, ito ay nagsisilbi ding pataba at nag-aalis ng mga sakit sa mga hayop kung sa mga kulungan ito gagamitin.

10. Title of Work: "SOLID WASTE MANAGEMENT PROGRAM OF GSGWFI" - Registration No. 02008-265, Dated August 26, 2008 - Philippine Copyright.
Mga paraan para maiayos ng tama ang ating mga basura, hindi katulad ng batas na RA 9003 na may nakalaang landfill, dito sa ating mga paraan ay wala ng pupunta sa landfill dahil tayo po ay nakatuon sa "ZERO WASTE MANAGEMENT" o programa para wala ng basurang itatapon sa landfill o dumpsites.

11. Title of Work: "BUSINESS PLAN OF GUARDIANS STOP GLOBAL WARMING FOUNDATION, INC." - Registration No. 02008-304, Dated October 9, 2008 - Philippine Copyright.
11.1. - Title of Work: "VIRGIN PALM PRODUCTS INTERNATIONAL - Feasibility Study-The Whole Process, Study No. 1 - Registration No. TXu1-322-047, Dated December 12, 2006 - USA Copyright.
11.2. - Title of Work: "VIRGIN PALM PRODUCTS INTERNATIONAL - Feasibility Study-The Whole Process, Study No. 2 - Registration No. TX 6-560-681, Dated March 5, 2007 - USA Copyright.
Ito ay mga ginawa noong wala pang balak magtayo ng kumpanya ang GSGWFI, pero dahil sa nakikitang pagsasa-walang bahala ng ating mga kababayan na gusto ay puro pagboboluntaryo lang minsan isang taon para sa kalikasan ay minarapat na din natin na magkaroon ng kapatid na kumpanya, sakali man na ito ay maitayo(Kumpanya)na binigyan natin ng pangalan na "SAVE PEOPLE SAVE NATURE SAVE WORLD INC.", lahat ng plano sa pagne-negosyo ng "GSGWFI" ay dito na gagawin sa kumpanyang ito.

12. Title of Work: "SAVE OUR NATURE" - Registration No. 02009-717,
Dated January 11, 2010 - Philippine Copyright.
Ito ay T-Shirt na may trade mark na "Save Our Nature" na sadyang ginawa para sa mga miyembro ng GSGWFI, kamag-anak, at mga kapatid na organisasyon....na ang bawa't apelyido ay may kahulugan sa pangangalaga ng ating kalikasan, ito ay sa "Wikang English" ginawa...ito ang sample ng ating apelyidong "REYES"...Re-enhancement of Environment Yielding Environmental Systems"...lahat ng ating apelyidong Pilipino ay nagawa na, liban na lang sa...sabihin na nating mabaho o pangit..

13. Title of Work: "ORGANIC FARMING IN THE CITY" - Registration No. 02010-246, Dated April 22, 2010 - Philippine Copyright.
Ito ay ginawa para makapagtanim ng mga organikong prutas at gulay sa mga bakante at nakatiwang-wang na mga lupain sa mga lungsod at munisipyo na sinasakop ng Rehiyon 3 at National Capital Region, para maiiwas na din ang mga nakatira dito sa pagkakasakit dulot ng pagkain ng mga prutas at gulay na kontaminado ng chemical, pesticide, at formalin...puwede din ito sa labas ng mga lugar na ito....

Labintatlong (13) Copyrighted Materials sa bansang Pilipinas, at walong (8) USA Copyrighted materials ang inihanda ng "GSGWFI" para gawain o gamitin ng mga miyembro ng "GUARDIANS" at ng mga taong laang tumulong sa ating namamatay na kalikasan ....sasayangin ba natin ito, may katapat ba ito sa ibang organisasyon o "Foundation" man...wala naman po di ba....ang "Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc." ay hindi namimili ng miyembro, mayaman man o mahirap, matalino man o mangmang, ang hangad natin ay pagkakaisa para sa bayan at kalikasan, ang kailangan dito ay didikasyon, sinseridad, at tunay na pagmamahal sa bayan, sa kapwa, at kalikasan...

Lahat po ng "Pilipino" ay inaanyayahang sumapi sa "GSGWFI" at ating planuhin kung paano gagawin ang mga nakasulat sa ating "Articles of Incorporation" at mga "Feasibility Studies"...mismo sa inyong lugar...tama po, sa mismong inyong lugar, hindi dito sa Meycauayan City na nag-umpisa nito, kung hindi sa mismong inyong lugar.....kung ito ay nasasakop ng Region 3 at National Capital Region....bilang ating panimula, lalabas din tayo sa mga lugar na ito pagdating ng tamang panahon....

At tandaan din na ang pamamahala at pagtra-trabaho sa ating "Foundation" ay hindi puro tulong lang para sa ating mahihirap na mga kababayan, tayo din po ay may karapatang makatangap ng biyaya bilang tulong na din sa ating gagawing pagtra-trabaho at pagtulong sa ating mga kababayan at kalikasan...hindi po tayo mga plastik na nagboboluntaryo minsan isang taon, araw-araw na pagkilos ang kailangan ng ating namamatay na kalikasan....at para sa naghihirap nating kababayan....

Ang blog na ito ay isa ding panghihikayat sa ating mga kapatid na "GUARDIANS" na kung ang paniwala ninyo ay baka malipat ang inyong paksyon sa "GSGWFI" o baka kayo ay masapawan kung sakaling kayo ay aanib sa ating "Foundation" ay sinasabi naming nagkakamali kayo...puwede din namang i-affiliate na lang ang grupo ninyo kung ito ay nakarehistro sa "Securities and Exchange Commission" sa ating "GSGWFI" para kayo man ay makagawa ng mga proyekto nating pangtao at pangkalikasan, at ng makahingi na din kayo ng tulong (Solicitation) para ito ay maisakatuparan....gayundin po sa ibang Organisasyon, Clubs, Assosasyon, Foundation,Kumpanya, o maging Sangay man ng Gobyerno, i-miyembro na lang po ang inyong mga opisyales bilang inyong representante sa mga komiting ating gagawin para magawa na ang mga tamang pagsagip sa namamatay nating kalikasan....

At bilang panimula kung sakaling kayo aanib sa "GSGWFI" at maglalagay ng isang opisina sa inyong lugar ay kailangan din nating maglagay ng computer shop para matuto ang ating mga miyembro ng tamang paggamit ng computer, isang napakahalagang bagay para lagi nating napag-uusapan ang ating mga proyektong ginagawa at mga gagawin, gayundin ang tamang pamamahagi ng mga produktong pangkalusugan, gayundin ang Save Our Nature T-shirts, at mga gamit sa mga proyektong pang-tao at pang-kalikasan....

I-klik lang po ang link ng pagiging miyembro na nakalathala sa ibaba ng "Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc." para malaman kung paano sumapi at paki-tignan na din ang ibang link para lubos ninyong malaman ang ating mga misyon at bisyon.....salamat po at "GOD Bless" sa lahat.....